DAGDAG-SINGIL | Basic charge sa Maynilad at Manila Water, posibleng ipasok sa mga susunod na buwan

Manila, Philippines – Inaasahang sa Setyembre o Oktubre pa maipapasok ang bagong basic charge ng Maynilad at Manila Water.

Ayon kay Attorney Patrick Ty, Chief Regulator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), kinakailangan pa kasi nila ng dagdag na oras para kilatisin ang hirit ng dalawang concessionaires.

Nasa P12 kada cubic meter ang estimate na hirit na dagdag o rate rebasing ng Maynilad habang nasa P8 kada cubic meter naman ang hiling ng Manila Water.


Aniya, kasali sa rate rebasing para sa taong 2018 hanggang 2022 ang mga proyekto ng Maynilad at Manila Water para sa ikagaganda ng serbisyo.

Facebook Comments