Manila, Philippines – Dahil sa sunud-sunod na oil price hike, humirit na rin ng dagdag-pasahe ang mga city at provincial bus operator.
Pisong dagdag sa mga ordinary bus para sa unang limang kilometro ang hirit ng mga operator sa National Capital Region habang P1.20 naman para sa mga air-conditioned bus.
Ang mga provincial bus operator naman, umapela ng P0.14 fare hike para sa ordinary bus at P0.16 hanggang P0.22 para sa mga air conditioned bus.
Nauna nang humirit ng siyam hanggang dose pesos na dagdag sa minimum fare ang mga jeepney operator habang dalawang piso naman ang sa UV express.
Pero sa ngayon, ayon sa LTFRB – malabo pa itong mapagbigyan.
Facebook Comments