DAGDAG-SINGIL | Halos 500 private schools, pinayagang magtaas ng matrikula

Manila, Philippines – Umabot na sa 478 mula sa halos 11,000 mga pribadong paaralan ang pinayagan ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng matrikula para sa school year 2018-2019.

Ayon kay Education Undersecretary Jesus Mateo, dagdag suweldo at benipisyo para sa mga guro ang dahilan ng pagtaas ng matrikula ng mga pribadong eskwelahan.

Aniya, posibleng tumaas pa ito dahil anim na rehiyon pa lang kabilang ang National Capital Region (NCR), Calabarzon, Mimaropa, Caraga at Regions 10 at 12 ang nakapag-sumite ng kanilang report.


Paliwanag ni San Mateo, nasa lima hanggang 15 porsyento ang inaprubahang dagdag tuition sa taong ito.

Facebook Comments