Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Department of Education (DepEd) ang hiling ng 947 private elementary at high school na taasan ang kanilang tuition ngayong school year.
Sa datos ng DepEd, pitong porsyento lamang ito ng 14,430 schools sa buong bansa.
Ang Central Luzon ang may pinakamaraming eskwelahan ang naaprubahan ng tuition hikes, kasunod ang Metro Manila at Central Visayas.
Walang pribadong eskwelahan sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula ang magtataas ng matrikula ngayong taon.
Nasa 114 private schools naman ang magbabawas ng tuition ngayong taon kung saan 28 ay nasa Metro Manila habang 26 sa Central Luzon.
Facebook Comments