DAGDAG SINGIL | Hiling na taas-presyo sa ilang de latang pagkain, inaprubahan ng DTI

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price increase ng ilang de latang pagkain.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, umapela ang nasa limang food producers ng 1.5% hanggang 2% increase dahil na rin sa pagmahal ng presyo ng isda at materyales sa paggawa ng lata.

Dagdag pa ng kalihim, ang bagong Suggested Retail Prices (SRP) ng tatlong sardine brands at dalawang corned beef brands ay malalaman ngayong buwan.


Ipinunto ni Lopez na maraming kumpanya o manufacturers pa rin ang hindi nagtataas ng kanilang presyo.

Base sa pinakahuling price monitoring survey ng DTI, lumalabas na 80% ng mga produkto ay nananatiling stable.

Facebook Comments