DAGDAG SINGIL | Ika-7 linggong taas-presyo sa petrolyo, ipatutupad na

Manila, Philippines – Sa ika-pitong sunod na linggo, muling magtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

May dagdag na P0.40 sa kada litro ng gasolina, P0.20 sa kada litro ng diesel at P0.15 kada litro sa kerosene.

Ipapatupad ito alas-sais ngayong umaga ng Pilipinas Shell, PTT Philippines, Seaoil, Petron, Chevron (Caltex), Flying V, Total, Phoenix Petroleum Philippines.


Ang ipinatupad na oil price hike ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

Facebook Comments