Manila, Philippines – Pito sa syam na brand o tatak ng sardinas at isang brand ng corned beef ang nagtaas na ng presyo.
Ayon kay Trade & Industry Sec Ramon Lopez aabot ng piso hanggang dalawang piso ang inihirit na dagdag sa presyo ng mga delata.
Gayunman 50 sentimo lamang ang inaprubahang dagdag singil sa sardinas habang 55 sentimos naman ang dagdag sa presyo ng isang brand ng corned beef.
Maliban sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law tinitignang factor din sa pagtaas sa presyo ng mga delata ang distribution cost, pagtaas ng krudo at raw materials.
Facebook Comments