DAGDAG SINGIL | Ilang delata tumaas ang presyo – DTI

Manila, Philippines – Simula kahapon nagsitaasan na ang presyo ng delata.

Ayon kay DTI Undersecretary for Consumers Protection Group Ruth Castelo tumaas ng P.50-1.50 ang ilang brand ng sardinas, meat products tulad ng corned beef at meat loaf.

Paliwanag nito nagpaapprove sa kanila ang ilang manufacturers ng delata ng price increase at matapos ang masusing pag-aaral kanila itong inaprubahan.


Tinitignang factor sa pagtaas sa presyo ng mga delata ay ang distribution cost, pagtaas ng krudo at pagtaas ng presyo ng raw materials.

Pero sinabi ni Castelo na nananatiling pasok sa Suggested Retail Price (SRP) ang presyo ng mga delata.

Kasunod nito tuloy-tuloy aniya ang pagsasagawa ng price monitoring ng DTI sa mga basic goods and prime commodities.

Facebook Comments