DAGDAG SINGIL | Ilang kumpanya ng LPG, nagpatupad na ng dagdag-presyo ngayong araw

Manila, Philippines – Sumalubong na ngayong araw ang dagdag presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Alas-12:01 ng madaling araw, una nang nagtaas ng presyo ng lpg ang kumpanyang Petron, nasa 90-centavos ang iminahal kada kilo.

Ang Auto-LPG naman ay tataas ng P0.50 kada litro.


Ang solane, nagtaas ng P0.91 kada kilo ng lpg, alas-6:00 kaninang umaga.

Inaasahan ding tataas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Linggo.

Tinatayang nasa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang magiging dagdag sa presyo ng diesel, gasolina, at kerosene.

Facebook Comments