Manila, Philippines – Posibleng magtaas-presyo o magbawas ng timbang ng mga tinapay ang ilang bakery.
Kasunod ito ng sampung piso hanggang trenta pesos na pagmahal sa presyo ng kada sako ng harina.
Ayon kay Philippine Association of Flour Millers Executive Director Ric Pinca, bunsod ito ng mataas na presyo ng trigo na sinabayan pa ng paghina ng piso kontra dolyar.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa P690 hanggang P710 ang presyo ng kada sako ng harina.
Sa harap ng nagtataasang presyo ng mga bilihin, nakiusap naman ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturer na huwag munang magtaas ng presyo sa halip ay maghanap ng murang supplier.
Facebook Comments