DAGDAG SINGIL | Kahilingang dagdag-pasahe sa mga bus, aprobado!

Pinagtibay na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag singil sa pasahe sa mga lalawigan.

Sa ordinary provincial buses naman, mula 9 pesos magiging 10 pesos na ang itinaas na pasahe at dagdag na 1.50 sa mga susunod na kilometro.

Sa air-conditioned buses:
Regular mula sa dating P1.60 naging P1.75
Deluxe P1.70 – P1.85
Super Deluxe P1.80 – P2
Luxury P2.25 – P2.50


Tulad ng pinagtibay na jeepney fare hike may 15 araw pa ang ibinigay ang LTFRB para mailathala sa diyaryo bago magkabisa.

Mananatili naman ang 20 percent discount ang pasahe para sa person with disability at mga estudyante.

Una nang hiniling ang dagdag-pasahe ng Southern Luzon Bus Operators Association.

Nagkaisang samahan ng nangasiwa ng panlalawigang bus ng Pilipinas at Samahang Transport Operator’s ng Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Facebook Comments