DAGDAG-SINGIL | Korea visa application fee, tataas

Manila, Philippines – Inihayag ng Embahada ng Korea sa Pilipinas na epektibo January 1, 2018, ang visa application fee para sa higit sa 90 araw na pananatili sa Korea (hindi naaangkop para sa mga turista) ay nadagdagan mula sa dating Php 2,700 magiging Php 3,000 na.

Ang mga Employment Permit System (EPS) workers na nag-aaplay para sa E-9 visa ang sakop ng dagdag bayad sa visa.

Ang Government Placement Branch (GPB) ang patuloy na mangongolekta ng visa fee na Php 2,700 hanggang Disyembre 28, 2017.


Ang mga EPS worker na magsumite ng kanilang mga visa application mula Disyembre 29, 2017 (onward) ay kailangang magbayad na ng visa fee na Php 3,000.

Facebook Comments