![LPG-GAS](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2018/09/LPG-GAS.jpg?resize=696%2C392&ssl=1)
Manila, Philippines – Kasabay ng pagsisimula ng ber months may dagdag-presyo ang kumpanyang Solane sa kanilang Liquefied Petroleum Gas o LPG.
Epektibo alas-sais kanina, tumaas ng P1.79 ang kada kilo ng LPG ng Solane.
Tinatayang nasa P19.00 ang itataas ng bawat 11-kilogram na Solane LPG.
Inaasahan ding mag-aanunsyo ang iba pang kumpanya ng langis para sa kanilang ipatutupad na price hike sa diesel, gasolina at kerosene.
Facebook Comments