Manila, Philippines – Matapos ang sunod-sunod na oil price hike, asahan na ang dagdag presyo sa Liquefied Petroleum Gas o LPG.
Maglalaro sa ₱3 hanggang ₱4 ang itataas sa presyo ng LPG.
Katumbas ito ng ₱33 hanggang ₱44 na dagdag sa kasalukuyang presyo ng 11 kilong LPG tank pagsapit ng Biyernes, Hunyo 1.
Paliwanag ng LPG Marketer’s Association (LPGMA) Party-list Representative Arnel Ty, sumusunod lang ang presyo ng LPG sa diesel at gasolina sa world market.
Nauna nang hiniling ng grupong Laban Konsyumer na alisin muna ang value-added tax (VAT) sa biofuels, diesel at gasolina para mapababa ang presyo nito.
Facebook Comments