Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na kailangan ng magtaas ng pamasahe sa LRT line 1.
Ayon kay Light Rail Manila Corporation, President and COO Juan Alfonso ang nagpapatakbo ng LRT-1 napapanahon ng magtaas ng pasahe dahil malaki na ang epekto sa kanilang operation sa nararanasang inflation sa bansa.
Paliwanag ni Alfonso kung noon ang palitan ng dolyar ay 49 pesos lang kontra dolyar ngayon ay 53 pesos na at kailangan nilang dagdag pamasahe para marekober ang naging bayaran puhunan ng mga investors na umaabot na sa 10 bilyong piso.
Ibinida pa ni Alfonso na malaki na ang pagbabago sa takbo aniya ng LRT dahil nagkaroon na ng maraming bagon at kung dati ay 6 minutes ang interval ngayon aniya ay 3 minutes nalamang ang interval.
Dagdag pa nito na bago nila ipatupad ang fare increase ang magsasagawa sila ng kunsultasyon sa buwan ng Hulyo upang mabatid ang opinyon ng riding public.
Giit pa ni Alfonso dahil sa isinagawang rehabilitation program ay naging matibay na ang LRT-1 at ayaw nilang singilin sa gobyerno sa halip ay sa commuters dahil sila ang direktang nakikinabang dito.