DAGDAG SINGIL | Manila Water, magpapatupad ng Price Adjustment sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Magpapatupad ng dagdag-singil sa tubig ang water concessionaires na Manila Water at Maynilad, epektibo sa a-uno ng Hulyo.

Sa abiso ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa mga kostumer ng Manila water, magkakaroon ng taas-singil na P0.99 centavos per cubic meter habang P0.06 centavos per cubic meter naman ang adjustment sa water bill ng mga consumer ng Maynilad.

Ibig sabihin, kung Manila Water customer ka, P5.21 kada buwan ang dagdag sa water bill kung ang konsumo ay 10 cubic meter pababa; P11.55 kapag ang konsumo ay 20 cubic meter; at P23.53 kung ang nagamit na tubig ay 30 cubic meter.


Mas mababa naman ang dagdag-singil ng Maynilad na aabot lamang sa P0.23 centavos kada buwan kung ang konsumo ay 10 cubic meter pababa; P0.86 centavos kung ang konsumo ay 20 cubic meter; at P1.75 kapag 30 cubic meter ng tubig ang nakonsumo.

Paliwanag ng MWSS, ang pagtaas sa singil sa tubig ay bunsod ng pagbabago ngayong 1st Quarter ng taon sa tinatawag na Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA.

Ang FCDA ay isang mekanismo na nag-aadjust ng water rates, batay sa flactuation ng foreign exchange rates.

Facebook Comments