DAGDAG SINGIL | Mga kostumer ng Meralco, magkakaroon ng taas-singil sa kanilang billing ngayong buwan

Manila, Philippines – Magkakaroon muli ng pagtaas sa singil sa electric bill ng mga kostumer ng Meralco ngayong buwan.

Ito na ang ikatlong sunod na buwan ng taas singil sa kuryente.

Sa abiso ng Meralco, nasa 10.55 pesos kada kilowatt-hour ang dagdag singil sa April bill.


Bunsod ito ng pagtaas ng generation charge.

Sa isang residential customer na kumokonsumo ng 200 kwh, 45 pesos ang madadagdag sa monthly bill, 67.50 pesos naman sa mga kumokonsumo ng 300 kwh, 90 pesos para sa 400 kwh habang 112.50 pesos naman sa 500 kwh.

Facebook Comments