Manila, Philippines – Isinusulong ng National Food Authority (NFA) na taasan ang buying price ng palay sa 25 pesos kada kilo.
Ayon kay NFA Spokesman Rex Estoperez, hinihiling nila sa NFA council na itaas ang presyo dahil prayoridad nila ang pagbili ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Pero nasa konseho na aniya ang desisyon kung nais nilang tapyasin ang presyo sa 20 o 22 pesos, o tataasan ang presyo ng bibilhing palay.
Aminado si Estoperez na ubos na ang stockpile ng bigas sa NFA at wala silang local procurement sa ngayon dahil sa farm-gate prices.
Facebook Comments