DAGDAG SINGIL | Oil price hike, epektibo na ngayong araw

Manila, Philippines – Matapos ang dalawang linggong magkasunod na oil price rollback, may taas presyo naman ang ilang kumpaniya ng langis.

May dagdag na P0.85 sa kada litro ng diesel, P0.65 sa kada litro ng gasolina at P1.15 sa kada litro ng kerosene.

Ipapatupad ito ng Petron, Shell, Flying V, Total, Seaoil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum Philippines at Eastern Petroleum.


Ang nasabing price hike ay bunsod pa rin ng paggalaw ng presyuhan sa world market.
<#m_959290673960034946_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments