DAGDAG-SINGIL | Petron, nagpatupad ng taas-presyo sa LPG

Manila, Philippines – Nagtaas sa presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang kumpanyang Petron.

Aabot 90 centavos ang itinaas sa presyo ng kada kilo ng LPG habang 50 centavos naman ang dagdag sa halaga ng kada litro ng auto LPG ng Petron.

Nasa 91 centavos naman ang itinaas ng Solane sa kada kilo ng presyo ng kanilang LPG.


Ang price hike ay alinsunod sa LPG contract prices sa international market.

Facebook Comments