Manila, Philippines – Patuloy na tumataas ang presyo ng asukal sa Pilipinas.
Sa datos ng Sugar Regulatory Commission (SRA) partikular sa Visayas average bid prices for production week-ending April 22, ang asukal ay pumalo sa 1,694.33 pesos kada 50-kilo na bag, mataas kumpara sa 1,432.56 pesos noong nakaraang taon.
Ayon kay SRA Board Member Roland Beltran, ang sugar production ay nasa 1.8 million metric tons.
Kumpiyansa si Beltran na maabot nila ang target na production na nasa 2.27 million metric tons para sa crop year 2017-2018.
Ang sugar crop year ay nagsisimula tuwing Setyembre at magtatapos sa Agosto.
Facebook Comments