DAGDAG SINGIL | Presyo ng de latang pagkain, nakaambang tumaas

Nagbabadyang tumaas sa Disyembre ang presyo ng mga de latang pagkain dahil sa patuloy na pagsadsad ng piso kontra dolyar.

Ayon kay Marvin Lim, pangulo ng Canned Sardines Association of the Philippines, posible silang magtaas ng presyo dahil nanggagaling pa sa ibang bansa ang raw materials na ginagamit nila sa paggawa ng mga de-lata.

Pero hindi naman aniya agad ang taas-presyo dahil marami pa silang nakaimbak na raw materials.


Hindi rin muna aniya sila maaaring magtaas ng presyo ngayon dahil nakapako pa ang presyo ng mga bilihin hanggang Nobyemre.

Nananatili namang nakabinbin sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga hiling na dagdag-presyo na maaari umanong ibagsak sa Disyembre.

Facebook Comments