DAGDAG SINGIL | Presyo ng gulay at isda, tumaas dahil sa habagat

Manila, Philippines – Tumaas na ang presyo ng ilang gulay at isda sa mga pamilihan dahil sa habagat.

Sa Balintawak Public Market, tumaas ng P5 hanggang P60 ang presyo kada kilo ng mga gulay dahil sa hirap ibiyahe ang mga produkto galing sa cordillera papunta sa Metro Manila.

Nasa P10 hanggang P20 naman ang itinaas ng presyo ng mga isda dahil nasira sa baha ang ilang palaisdaan.


Sabi ni Department of Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, halos 40 percent ang itinaas ng mga basic goods tulad ng delata, kape, tinapay, at iba pang juice dahil sa tax reform law.

Aminado rin si Department of Agriculture Secretary Manny Piñol, na mataas ang presyo ng bigas dahil mataas ang bilihan ng mga palay sa mga magsasaka ngayon.

Gayunman, nilinaw naman ng National Food Authority (NFA) na walang pagkukulang sa supply ng NFA rice.

Facebook Comments