DAGDAG SINGIL | Presyo ng gulay sa Benguet, tumaas

Tumaas ng hanggang P300 kada kilo ang presyo ng karamihang highland vegetable sa Benguet dahil sa epekto ng bagyong Ompong.

Ayon kay Agot Balanoy, tagapagsalita ng League of Association sa La Trinidad Vegetable Trading Post – malaki ang itinaas ng wholesale price ng mga gulay dahil na rin sa naging pinsala ng bagyo sa mga pananim at pagsasara ng Halsema highway na dinaraanan ng mga vegetable dealer.

Kabilang sa mga nagmahal ay ang presyo ng:


Sayote – P200 to P350 (per kilo)
Lettuce – P100 to P150
Cauliflower – P150 to P200
Celery – P300 to P350
Onion Leak – P300 to P350
Broccoli – P300 to P350
Carrots – P200 to P210
Repolyo – P300
Womboc – P200 to P280

Kaugnay nito, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na pansamantalang magsusuplay ng gulay ang Bukidnon habang nagsasagawa ng rehabilitasyon ang mga magsasaka sa Cordillera.

Facebook Comments