Manila, Philippines – Magtataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo bukas.
Epektibo alas 6:00 ng umaga, ipatutupad ng Flying V at Shell ang P0.85 na dagdag-singil sa kada litro ng gasolina.
Dagdag na P0.70 naman sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Parehong oil price hike din ang ipatutupad ng Unioil petroleum Philippines maliban sa kerosene.
Ang panibagong oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito sa world market.
Facebook Comments