Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tatlong pisong taas-presyo sa mga de latang karne gaya ng luncheon meat, meat loaf, beef loaf at corned beef.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, bunsod ito ng pagtaas ng piso kontra dolyar.
Epekto din aniya ito ng pagtaas sa presyo ng mga raw material na ginagamit sa paggawa ng lata.
Kasabay nito, tiniyak ng DTI na walang gaanong paggalaw sa presyo ng sardinas, tinapat, kape, bottled water, patis, bath soap at mga baterya.
Facebook Comments