DAGDAG SINGIL | Presyo ng produktong petrolyo, magkakaroon ng taas-singil

Manila, Philippines – Magkakaroon ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Epektibo alas 6 ngayong umaga magpapatupad ang Shell, Caltex at Seaoil ng P0.60 dagdag sa kada litro ng kanilang diesel, P0.10 sa kada litro ng gasolina at P0.45 sa kada litro ng kerosene.

Maliban sa kerosene parehong pagtaas ng presyo rin ang ipatutupad ng Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Total, Petro Gazz at Jetti Petroleum sa kanilang gasolina at diesel.


Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng oil price hike.

Facebook Comments