Manila, Philippines – Mayroong pagtaas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis.
Epektibo 6:00 ngayong umaga, magtaas ng P0.65 sentimos sa kada litro ng gasolina ang mga kumpaniyang Shell, Petro Gazz at Flying V.
Habang nasa P0.55 sentimos ang itaas sa kada litro ng diesel at P0.70 sa kada litro ng kerosene.
Inaasahan namang mag-aanunsiyo rin ng oil price hike ang iba pang kumpanya ng langis.
Una nang nagtaas ng P0.50 sentimos sa kada kilo ng kanilang Liquefied Petroleum Gas o LPG ang ilang kumpaniya ng langis nitong Hulyo 1.
Facebook Comments