Manila, Philippines – Posible ring tumaas ang presyo ng tinapay.
Ito ay dahil sumampa na sa five-year low ang wheat production sa buong mundo dahil sa nararanasang masamang panahon.
Ayon kay Nestor Constancia, director ng Philbaking – ang presyo ng harina ay umakyat na sa ₱40 kada 25 kilo sa kabila ng apela ng Department of Trade and Industry (DTI) na pansamantalang ihinto ang price adjustments.
Dagdag ni Constancia, maaring manatili sa ₱35 kada 450 gram ng Pinoy tasty hanggang Oktubre pero ang mga branded bread products ay inaasang tataas.
Bukod sa harina, tinitingnan din nila ang galawan ng presyo ng asukal at langis.
Ayon naman kay Ric Pinca, executive director ng Philippine Association of Flour Millers Inc. (PAFMIL) – aabot na sa ₱700 kada 25 kilo ng bag ng harina ang ibinebenta.
Ani Pinca, tanging ang Estados Unidos lamang ang may steady supply ng trigo.
Inaasang tataas ng lima hanggang anim na porsyento ang aangaking trigo ng Pilipinas ngayong taon mula sa 2.6 million metric tons noong nakaraang taon.
Nakakaapekto rin aniya sa presyuhan ang bumababang halaga ng piso kontra dolyar.