DAGDAG SINGIL | Presyo sa produktong petrolyo, ikapitong Linggo nang magtataas

Manila, Philippines – Sa ikapitong sunod na linggo, magtataas muli ang presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Setyembre 25.

Aabot sa 20 hanggang 40 centavos ang imamahal ng kada litro ng gasolina.

May dagdag namang 10 hanggang 20 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene.


Bukod dito, may ilang oil companies ang nagtaas ng presyo ng ethanol kaya posibleng makadagdag pa ito sa pagmahal ng imported na gasolina.

Facebook Comments