DAGDAG SINGIL | Presyo sa produktong petrolyo, muling tataas

Matapos ang walong linggong sunod-sunod na rollback asahan na ang dagdag presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Danny Alabado, presidente ng PTT Philippines Trading Corporation, tinatayang maglalaro sa P0.30 hanggang P0.50 ang taas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo.

Aniya, tumaas ang presyo ng imported diesel at gasolina sa pandaigdigang merkado bunsod ng plano ng organization of the petroleum exporting countries at bansang Russia na tapyasan ang produksiyon ng supply ng langis.


Pagsapit naman ng 2019, epektibo na ang P2 excise tax sa kada litro ng produktong petrolyo sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Gayunman, sabi ni Alabado hindi agad mararamdaman ang dagdag buwis dahil may imbak pang supply ang mga kumpaniya ng langis.

Sa ngayon ay wala pang maibigay na price hike ang Department of Energy (DOE) dahil hindi pa tapos ang trading sa world market.

Facebook Comments