Dagdag singil sa kuryente, hindi dapat pinapasan ng mga konsumer

Manila, Philippines – Nanawagan ang ilang grupo sa gobyerno na huwag ipasa sa mga konsumer ang nakaambang na dagdag-singil sa kuryente bunsod ng sunod-sunod na pagsasailalim ng Luzon grid sa yellow at red alert status.

Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, dapat brasuhin ng gobyerno ang mga planta para hindi maipasa sa mga konsumer ang dagdag-singil dahil wala naman silang kasalanan.

Giit naman ni Laban Konsyumer President Vic Dimagiba, dapat ipako ang presyo sa spot market bago magkaroon ng yellow o red alert.


Paliwanag naman ni Energy Director Mario Marasigan, pinaplantsa na nila ang bagong patakaran na ang mga plantang nagdulot ng pagtaas ng presyo ang magbayad at hindi ang konsumer.

Pero dahil hindi pa tapos ang pag-aaral, asahan nang konsumer pa rin ang magbabayad sa pagtaas ng singil dulot ng mga nakaraang alerto.

Facebook Comments