Masamang balita para mga konsyumer ng Manila Electric Company (MERALCO) dahil sa magpapatupad ng dagdag-singil kuryente ang MERALCO ngayong buwan ng Nobyembre.
Sa kanilang abiso, 23 centavos per kilowatt hour ang kanilang idadagdag dulot ng mas mataas na transmission charge na umakyat ng P0.12 kada kWh para sa residential customers.
Bunsod na rin ito ng ng mas mahal na ancillary service charges ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa regulating reserves.
Maliban dito, nagmahal din ang generation charge na dulot naman ng mas mataas na singil sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at mga Independent Power Producer (IPPs).
Katumbas ang dagdag-singil sa kuryente ng P47 para sa mga komokunsumo ng average na 200 kwh at P117 para sa mga komokunsumo naman ng 500 kwh.