Dagdag singil sa kuryente, kinukwestyon ng isang mambabatas

Manila, Philippines – Kinukwestyon ngayon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang naka-ambang na dagdag singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.

Giit ni Zarate, minsan lang mag-yellow o red alert ang mga power reserves dahil sa kakapusan sa suplay sa kuryente ay sinusundan naman ito ng mataas na singil sa kuryente.

Nasa P0.34 cents sa kada kWh ang dagdag singil ngayon sa kuryente.


Ang mga kumukunsumo ng 200kwh ay may dagdag sa kuryente na P69, sa 300kwh na kunsumo ng kuryente ay may dagdag na P102, sa 400kwh ay P136 habang sa mga kumukunsumo ng 500kwh na kuryente ay may dagdag sa bill na P170.

Dahil dito, muling kinalampag ni Zarate na suriin ang mataas na singil sa kuryente at huwag hayaan ng hayaan ang Meralco na madalas magtaas ng singil sa kuryente.

Facebook Comments