Dagdag-singil sa kuryente ng Meralco ngayong Abril, inalmahan ng mga konsyumer

Umalma ang ilang konsyumer sa nakaambang dagdag-singil sa kuryente ngayong Abril.

 

Nabatid na nasa P0.0633 per kilowatt hour ang magiging dagdag o katumbas ng P12.60 para sa mga kumokonsumo ng 200/kwh kada buwan.

 

Paliwanag ng Meralco, ito ay dahil sa pagtaas ng generation charge at paghina ng piso kontra dolyar.


 

Tumaas din kasi konsumo sa kuryente ngayong tag-init.

 

Nito lang nakaraang buwan nang banggitin ng Meralco ang posibleng dagdag-singil sa kuryente dahil sa sunod-sunod na pagtataas ng yellow at red alert sa Luzon grid.

 

Paulit-ulit naman ang paalala ng Meralco sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

Facebook Comments