Isang panibagong dagdag sa gastusin ang sasalubong sa mga household consumer sa lalawigan ng Pangasinan at sa Pilipinas, matapos aprubahan ang paniningil ng dagdag P0.10/kwh sa transmission charge na ilalapat na sa August electricity bill.
Nilinaw naman ni DECORP General Manager Atty. Randy Castillan na ang mayroon silang kontrata sa mga transmission lines na dinadaanan na power energy ng electric provider sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Aniya, dahil sa pagtaas ng supply at demand, may mga isinasagawa ang NGCP na transmission grids upang maiwasan ang limitasyon sa daloy ng kuryente sa mga linya nito.
Ayonkay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta, ang dagdag-singil ay bilang bahagi ng ₱28 bilyong cost recovery ng NGCP at inihayag ni Atty. Castillan, na sila ay walang kinikita roon.
Patuloy naman ang panghihikayat ng DECORP sa mga konsyumer nito na magtipid sa pagkonsumo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









