Humihirit ng dagdag-singil sa freight fess ang Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay CTAP President Mary Zapanta, umaaray na ang mga truckers dahil sa mataas na gastos sa operation cost.
Aniya, sakaling mapagbigyan sila sa kanilang hiling na 40% na dagdag-singil o fuel adjustment rate ay makatutulong ito para sa mga truckers.
Samantala, maglalabas na rin ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng hirit ng ilang transport group na dagdag pasahe bago ang Hunyo 30.
Sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion na hiniling ng mga jeepney operators na maging P2.50 na ang dagdag-pasahe sa kada kilometro habang pinag-aaralan na rin ng ahensya ang hirit ng ilang transport group na dagdagan ng P5.00 ang minimum na pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) sa bansa.