Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na legal ang isinisingil na surge fee sa mga pasahero ng Grab Philippines.
Ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano, nagkakaroon lamang umano surge fee o dagdag-singil kapag mas mataas ang demand kesa sa mga sasakyang bumabiyahe.
Aniya, ang karagdagang singil sa pasahe ng Grab ay nakabatay din sa fare matrix nila.
Sa kabila nito, hinihintay pa rin ng LTFRB ang pormal na paliwanag ng Grab hinggil sa mga reklamo na binabato sa kanila gayundin ang mga isyu na nakita ng ahensya.
Una nang sumalang sa pagdinig ng LTFRB ang Grab noong Martes at nakatakda ang ikalawang pagdinig sa December 13.
Matatandaang, inireklamo ng isang commuter group ang umano’y sobrang singil sa pasahe ng Grab, kung saan pinapatawan nila ito ng P5,000 sa bawat overcharge sa pasahe sakaling mapatunayan ang nasabing reklamo.