Manila, Philippines – Epektibo na bukas (November 6) ang dagdag singil sa mga motoristang dumaraan sa North Luzon Expressway (NLEX) at Southern Tagalog Arterial Road (star).
Ito ay matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB).
Ang bagong singil sa toll sa NLEX ay 25-sentimos o 18 pesos para sa 72 kilometro kasama na ang Value Added Tax.
Halimbawa, ang toll para sa mga class 1 vehicle mula Balintawak hanggang Dau, Pampanga ay magiging 236 pesos.
Ang mga class 2 vehicle naman ay 590 pesos habang ang class 3 ay 708 pesos.
Sa Star Tollway, 77-centavos kasama ang VAT.
Facebook Comments