Dagdag singil sa tubig, nakaamba sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Simula Agosto, bahagyang tataas ang singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water.

Ito’y matapos na aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dagdag-singil dahil sa tinatawag na Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) para sa third quarter ng 2017.

Epekto ito ng paghina ng piso kontra dolyar, yen at euro.


Sa August 13, papatak na sa bill ang 27 centavos per cubic meter na dagdag-singil sa mga residential at commercial customer ng Maynilad.

Habang 28 centavos per cubic meter naman sa Manila Water.

Katumbas ito ng P1.46 hanggang P6.61 na dagdag sa mga kumukonsumo ng 10 hanggang 30 cubic meter.

July pa dapat magsisimula ang galaw sa FCDA pero ipinagpaliban ito ng MWSS Board.

Sa ngayon, pinag-aaralan na rin ng MWSS ang hirit ng Maynilad at Manila Water na dagdag sa basic charge na kung maaprubahan ay magiging dagdag pasanin din ng mga konsyumer.

Facebook Comments