DAGDAG SINGIL | Singil sa kuryente asahang tataas ngayong tag-init ayon sa Meralco

Manila, Philippines – Asahan na ang mas mataas na bayarin sa kuryente dahil sa pagsipa ng konsumo nito ngayong tag-init.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriga, nitong Abril 23 ay pumalo sa 10,380 megawatts ang konsumo sa kuryente ng buong Luzon.

Mas mataas ito sa pinakamalaking demand sa kuryente na 10,054 megawatts noong may 2017.


Paliwanag pa ni Zaldarriga, sa kasagsagan din ng tag-init ay karaniwang bumabagsak ang mga planta ng kuryente na nagpapataas ng presyo sa spot market.

Kaya giit ni Atty. Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer, dapat ilabas ang listahan ng mga plantang may schedule maintenance.

Sabi naman ni Energy Regulatory Commission (ERC) Atty. Rexie Baldo-Digal, na pinag-aaralan na nila kung paano ang sistema ng pagdisiplina sa mga “siraing” planta.

Facebook Comments