DAGDAG SINGIL | Taas presyo sa sardinas, epektibo na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Epektibo sa Disyembre a-singko, tataas ang presyo ng sardinas sa merkado.

Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng mga manufacturer na taasan ang presyo ng sardinas simula sa Disyembre.

Bunsod nito, maglalaro sa P0.50 hanggang P0.80 ang dagdag-presyo sa de latang sardinas


Ayon kay Canned Sardines Association of the Philippines President Marvin Tiu Lim, apektado sa presyo ng produktong petrolyo sa world market ang dahilan ng pagtaas sa presyo ng sardinas, lalo na at hindi nila ramdam ang kakarampot na oil price rollback.

Binigyan diin pa ni Lim na ginawang sardinas ay noon pang Hulyo at Agosto, kung saan mataas pa ang presyo ng mga ito sa suppliers.
Posibleng hindi na magtaas ng presyo ang sardinas sa 2019 kung magtuloy-tuloy pa ang rollback sa presyo ng langis.

Facebook Comments