Manila, Philippines – Humirit na rin ng dagdag pasahe ang mga UV express operators dahil sa patuloy na pagtaas presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Lino Marable, president ng Code X, isang grupo ng mga UV express operators, dapat nang itaas sa P4 kada kilometro ang pasahe.
Giit ni Marable, baka hindi na sumapat pa ang kanilang arawang kita sa mahalan ng mga bilihin.
Kasabay nito, humihiling rin ng tatlong pisong subsidy sa gobyerno ang National Confederation of Tricycle and Transport Operators and Drivers Association of the Philippine (NACTODAP) ng subsidy.
Nanindigan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kailangang mabalanse ang pangangailangan ng mga operators at mananakay kaya maingat sila sa pag-apruba ng fare hike.