DAGDAG SUPLAY | DA, planong kumuha ng supply ng gulay sa Bukidnon

Plano ng Department of Agriculture (DA) na kumuha ng suplay ng gulay sa isang bayan kasunod ng paglobo ng presyo nito sa mga pamilihan sa Metro Manila.

Sa isang facebook post, sinabi ni Agriculture Secretary Manny Piñol na isa sa mga alternatibong pagkukuhanan ng suplay ng gulay ay sa bayan ng Talakag, Bukidnon.

Nabatid kasi na maraming magsasaka ang nagrereklamo sa napakababang presyo ng gulay na kanilang inaani kung saan umaabot lamang daw sa P12.00 ang bawat kilo ng repolyo.


Kaya naman, napagkasunduan na magbibigay ng P20 milyong loan ang D.A. para sa Talakag Farmers Association na kanilang magagamit sa pagbili sa mga produkto.

Bukod sa bayan ng Talakag ay tinitingnan na rin ni Piñol ang mga bayan ng Lantapan, Similar at imapasugong na maaaring pagkuhanan ng suplay ng gulay.

At dahil dito, umaasa ang kalihim na sa pamamagitan nito ay mapapababa ang halaga ng gulay sa mga palengke sa Metro Manila at kasabay nito ay matutulungan din ang mga magsasaka sa Bukidnon.

Facebook Comments