DAGDAG SUPLAY | Mga murang gulay mula Bukidnon para sa Metro Manila, dumating na

Dumating na sa Port of Manila ang tone-toneladang gulay na galing ng Bukidnon.

Ang pagdating ng unang shipment ng 8.1 tons ng gulay ay itinaon sa isasagawang Tienda Gulay para sa Masa sa September 21 at 22.

Kabilang sa mga high value crops ay:
Potato – 1,080 kgs
Carrots – 6,150 kgs
Cabbage – 270 kgs
Chilli – 36 kgs
Sayote – 510 kgs
Chinese cabbage – 52 kgs
Raddish – 63 kgs


Galing ang mga gulay mula sa Miarayon Region ng bayan ng Talakag.

Masagana sa gulay ang Talakag, pero pahirapan sa mga magsasaka kung paano ikalat sa pamilihan ang kanilang mga agricultural products.

Sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council (DA-ACPC) binigyan ang farmers’ association sa Talakag ng initial loan na P20-M para bilhin ang mga farm produce doon.

Facebook Comments