Pinag-iisipan ng Department of Agriculture (DA) na bilhin na lang ang mga palay na binayo ng bagyong Ompong.
Pero ayon kay DA Secretary Manny Piñol, magiging depende pa rin kung anong klasong palay ang bibilhin ng National Food Authority o NFA.
Aniya, maari namang bilhin ang mga palay na nabasa pero kung nabulok na ay malabo na itong bilhin ng gobyerno.
Kasabay nito, tiniyak ni Piñol na may ibibigay na ayuda sa mga magsasaka ang gobyerno na naapektuhan ng bagyo.
Kasama na aniya rito ang 1.6 bilyong pisong insurance na mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Facebook Comments