DAGDAG SUPLAY | NFA rice, mabibili na rin sa supermarkets

Manila, Philippines – Maaari ng mabili sa mga supermarket ang NFA rice sa mga susunod na araw.

Ito ay matapos lumagda ng kasunduan ang Department of Trade and Industry (DTI), National Food Authority (NFA) at Philippine Amalgamated Supermarkets Association.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, maaaring ng makabili ang bawat customer ng tig-apat na kilong NFA rice sa mga supermarket.


Aniya, layon nitong matugunan at maipa-abot pa sa mga consumers ang NFA rice sa bansa.

Facebook Comments