DAGDAG SUPLAY | NFA rice, mabibili na sa ilang supermarket sa Metro Manila

Manila, Philippines – Mabibili na sa ilang piling supermarket ang NFA rice sa Metro Manila.

Ang paglalagay ng NFA rice sa supermarkets ang isa sa solusyon ng Department of Trade and Industry (DTI) para mapalaganap ang mas murang bigas sa merkado.

Ang Daily Supermarket sa Cubao ang unang pribadong grocery store na nakakuha ng suplay ng NFA rice.


Nasa P25 kada kilo ang kuha nila ng NFA rice pero P27 kada kilo ito ibebenta.

Ipinagbabawal naman ang pagbili ng sako-sako ng NFA rice kaya nire-repack ito dahil limitado kada konsumer ng apat na kilo kada pila.

Kasabay nito, naki-usap si Philippine Amalgamated Supermarkets Association Inc. President Steven Cua, na huwag naman daw silang pahirapan sa permit at proseso sa paghango ng NFA rice dahil tumutulong na nga sila sa gobyerno.

Pero paliwanag ni NFA spokesperson Rex Estoperez, hindi maaaring madaliin ang permit para sa mga magbebenta ng NFA rice.

Facebook Comments