DAGDAG SUPLAY | Pag-aangkat ng galunggong, planong gawing kada taon

Manila, Philippines – Plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng galunggong kada taon.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo sa hakbang ng gobyerno na magpasok ng 17,000 metric tons ng isda para mapigil ang tumataas na presyo at matiyak ang food security.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, kailangang mag-import ng Pilipinas ng isda sa panahon ng closed fishing season na kadalasang nagsisimula sa buwan ng Nobyembre at magtatagal hanggang Marso.


Sinabi ng kalihim na wala siyang nakikitang mali sa pag-aangkat.

Ang imported na galunggong ay magsisimulang dumating sa September 1 at ibebenta ito sa ₱75 hanggang ₱80 kada kilo.

Direkta ito ibebenta sa mga local wet markets para mapatatag ang presyo ng isda.

Facebook Comments