DAGDAG SUPORTA | PNP, personal na humiling ng suporta sa CBCP para sa kanilang internal cleansing at rehabilitasyon ng mga drug offender

Manila, Philippines – Personal na humingi ng tulong ang pamunuan ng Philippine National Police sa Catholic Bishops Conference of the Philippines para sa kanilang internal cleansing program at ginagawang rehabilitasyon sa mga drug offenders.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde kaninang umaga ay nakipag dayalogo sila sa mga CBCP officials sa pamumuno ni Bishop Reynaldo Evangelista, Chair ng CBCP Permanent Council for Public Affairs.

Sinabi ni Albayakde humingi sila ng tulong sa mga obispo para mas maging epektibo ang kanilang ginagawang internal cleansing sa hanay pambansang pulisya.


Hiniling rin nila na makiisa ang CBCP sa ginagawang treatment at rehabilitation para sa mga drug offenders.

Hiniling rin nila sa mga obispo na tulungan sila magkaroon ng labing pitong bakanteng platilla position para sa mga Catholic Chaplains na itatalaga sa PNP.

Sinabi ni General Albayalde na naging maayos ang kabuuang dayalogo at napagkasunduan pang gagawin nang regular ang dayalogo sa pagitan ng PNP at CBCP.

Facebook Comments